Natapos na ng Department of Public Works and Highways Region-9 (DPWH-9) ang konstruksyon ng ₱22-milyong bridge widening project ng Timan Bridge sa Barangay Timan sa bayan ng Liloy sa lalawigan ng Zamboanga del Norte.
Ang nasabing tulay ay nagdurugtong sa Liloy-Sindangan-Dilopog road.
Ang implementasyon ng proyekto ay pinangasiwaan ng DPWH-Zamboanga del Norte 3rd District Engineering Office, kung saan ang pondo ay hinatak ng Kagawaran mula sa General Appropriations Act (GAA) 2023.
Ayon kay Engr. Cayamombao Dia, regional director ng DPWH-9, ang Timan Bridge ay magbibigay ng episyenteng byahe para sa mga motorista at maayos na paghahatid ng mga produkto ng mga magsasaka sa mga malalaking merkado sa Zamboanga del Norte at iba pang bahagi ng Zamboanga Peninsula.
Ang tulay ay may habang 19.05 lane meters, at ang carriageway ay may lapad na 7.00 meters.
Ayon kay Director Dia, ang proyekto ay nagbigay ng maayos na daloy ng trapiko sa lugar at ligtas na byahe para sa mga taga-Zamboanga Peninsula. | ulat ni Lesty Cubol | RP1 Zamboanga