Maagang regalo ngayong Kapaskuhan ang natanggap ng nasa 250 pamilya sa Quezon City na benepisyaryo ng programang pabahay ng National Housing Authority (NHA) at pamahalaang lungsod.
Opisyal na kasing nai-turnover sa kanila ang mga titulo ng lupa para sa kanilang tinitirhan sa Brgy. Batasan Hills.
Bahagi pa rin ito ng mandato ng pamahalaang lungsod na mabigyan ng kasiguraduhan ng pabahay ang mga QCitizen.
Una na ring pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, District 2 Representative Ralph Tulfo, at mga kawani ng NHA ang pamamahagi ng land titles para sa higit 100 residente ng Barangay Holy Spirit at Commonwealth. | ulat ni Merry Ann Bastasa