Nakatanggap ang 326 na benepisyaryo ng sariwang pagkain gaya ng gulay at iba pa mula sa Walang Gutom Program ng Department of Social Welfare and Development Bicol sa bayan ng Bato, Camarines Sur.
Ayon sa ahensya, layunin ng nasabing programa na mabigyan ng food assistance ang mga benepisyaryo nito upang masiguro na walang mga Pilipino ang nagugutom.
Para sa karamihan, ang programa ay hindi lamang basta pamamahagi ng pagkain kundi nagsisilbing tanglaw ng pag-asa para sa kanila sa gitna ng patuloy na mga hamon sa ekonomiya na nakakaapekto sa mga vulnerable sectors ng lipunan.
Ang pamamahagi ng food assistance ay bahagi ng ika-apat na Food Redemption Day ng Walang Gutom Program ng ahensya. | ulat ni Paul Hapin | RP1 Albay