Hiniling ni Negros Occidental 5th District Rep. Emilio Bernardino Yulo sa Quinta “Super” Committee na imbestigahan din ang bumababang millgate price ng lokal na asukal sa bansa.
Sa kanyang privilege speech sa plenaryo, sinabi ni Yulo na apektado na ang sugar industry, mga stakeholders, at mga consumers.
Anya kawawa ang mga sugar farmers na sa kabila ng kanilang kinaharap na hamon ng tagtuyot at pananalasa ng bagyo, hindi sila makabawi sa kita ng kanilang mga panananim na tubo, dahil bumababa ang presyo ng millgate price ng asukal.
Diin ng mambabatas, nakaalarma ito dahil ang kasalukuyang presyo na 2400 pesos kada 50 kilogram na bag ng asukal ay hindi sapat sa production cost ng mga magsasaka.
Pinuna din ng mambabatas ang Sugar Regulatory Administration dahil sa kabiguan nilang tugunan agad ang problema at daing ng mga sugar farmers. | ulat ni Melany Reyes