Palalakasin pa ng Department of Agriculture ang ugnayan nito sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa programang ‘Kadiwa ng Pangulo’.
Kasunod ito ng paglagda ng memorandum of understanding ni Agriculture Sec. Francisco Tiu-Laurel Jr. at Labor Sec. Bienvenido Laguesma para mapabilang ang programa sa Integrated Livelihood Program ng DOLE.
Sa ilalim ng kasunduan, magbibigay ang DOLE ng manpower para maparami ang mga Kadiwa Center.
Ayon kay Labor Sec. Laguesma, katumbas ito ng dagdag trabaho sa maraming pilipino lalo na’t nasa 1,500 ang target ng itatag na Kadiwa ng Pangulo outlet sa buong bansa.
Ayon pa sa kalihim, magbibigay din sila ng technical assistance sa mga magsasaka at mangingisda at bibigyan sila ng pagkakataon na makapasok sa Kadiwa ng Pangulo.
Bukod sa sustainable livelihood, binigyang diin din ni Sec. Tiu-Laurel ang malaking tulong ng partnership na ito para manatili ang access ng mamamayan sa abot-kayang bilihin.
“Through this partnership, we aim to create more sustainable livelihoods and improve access to affordable agricultural products. Together, DA and DOLE are committed to uplifting the lives of Filipino farmers, workers, and consumers,” Sec. Tiu Laurel. | ulat ni Merry Ann Bastasa