Binigyang-diin ng Department of Health (DOH) ang kahalagahan ng kahandaan laban sa mga sakuna at emergency kasabay ng paggunita sa National Health Emergency Preparedness Day.
Ayon kay Dr. Kathrynn Faith Racho ng Health Emergency Management Bureau ng DOH, patuloy ang ahensya sa pagpapalakas ng disaster risk reduction and management sa pamamagitan ng pagsasanay sa healthcare workforce at pagpapahusay ng response capabilities ng mga ito.
Tiniyak din ng health department na bibigyang prayoridad nito ang kalagayan ng mga vulnerable groups tulad ng mga kababaihan at bata sa gitna ng mga krisis, sa pamamagitan ng targeted care and support.
Hinihikayat naman ng DOH ang publiko na magtulungan tungo sa isang mas handang komunidad, sa pamamagitan ng kaalaman at kasanayan sa basic life support at first aid techniques. | ulat ni EJ Lazaro