DOH, nagbabala kontra pekeng Facebook page na nag-eendorso ng pekeng produkto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ayon sa DOH, iniendorso ng pekeng page na ito sa Fcebook ang isang milk supplement na sinasabing lunas umano sa chronic insomnia.

Mariing pinasinungalin ng DOH ang sa isang post ang pekeng Facebook page at sinabing walang kaugnayan ang nasabing page sa kanilang opisina, at hindi nila ineendorso ang anumang produktong ipinapakita rito.

Ipinaalam na ng DOH sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ang insidente upang maalis ang naturang page.

Muling pinaalalahanan ng ahensya ang publiko na maging maingat at tiyaking sa mga opisyal na social media accounts lamang ng DOH magtitiwala. Babala rin nila, maaaring humarap sa kasong kriminal ang mga nasa likod ng pagkalat ng maling impormasyon.| ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us