Kaagad na naghatid ang Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) Bicol ng tulong para sa dalawang pamilya na naapektuhan ng nangyaring landslide sa Sitio Cabatuhan, Barangay Cabungahan, Labo, Camarines Norte.
Ang naitalang landslide ay kaugnay ng naranasang pag-uulan sa Labo, Camarines Norte, dulot ng Shear Line. Bukod dito, naitala rin ang pagbaha sa ilang mga lugar sa Camarines Norte.
Kaagad na nag-deploy ng relief assistance ang DSWD Bicol, kabilang ang dalawang family food packs at set ng mga non-food items para sa dalawang pamilyang naapektuhan ng landslide.
Tinatayang umabot sa P21,000 ang halaga ng asistensya na naipaabot ng DSWD Bicol.
Samantala, nakikipag-ugnayan ang DSWD Bicol sa Local Government Unit ng Labo at iba pang mga ahensya upang matugunan ang karagdagang pangangailangan ng mga naapektuhang pamilya dahil sa Shear Line. | ulat ni Vanessa Nieva | RP1 Naga