Mahigit 360 pamilyang residente ng Surigao City ang nakabenepisyo sa pinansyal na tulong ng pamahalaan sa pamamagitan ng DSWD o Department of Social Welfare and Development Caraga Regional Office sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Ang inisyatibong ito ay pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Surigao sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa pakikipagtulungan ng Kongreso upang mapondohan ang naturang pinansyal na tulong.
Layon ng LGU Surigao na makarekober ang mga apektadong residente mula sa 20 barangay mula sa mainland at maging sa mga island barangay.
Tig P3,000.00 na tulong ang natanggap kahapon ng 361 pamilyang naapektuhan ng bagyong Kristine noong buwan ng Oktubre.
Panawagan mula sa CSWDO – Surigao, bukas ang kanilang tanggapan para sa mga residente o indibidwal na apektado ng krisis at nangangailangan ng medical o kaya’y burial assistance. Maaaring dumulog at mag-apply sa ilalim ng programang AICS. | ulat ni May Diez | RP1 Butuan