Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nananatiling sapat ang relief supplies nito kahit pa tumagal ang epekto ng pagputok ng Mt. Kanlaon sa Negros.
Ayon sa DSWD, aabot sa 1,508,038 kahon ng family food packs (FFPs) ang naka-preposisyon sa iba’t ibang warehouses ng ahensya at nakahandang ideploy sa mga lugar na nangangailangan ng tulong.
Nagpapatuloy rin ang koordinasyon ng DSWD sa mga partner LGUs upang matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente.
Bukod sa food packs, nagbibigay na rin ang DSWD ng psychosocial assistance sa mga apektadong mamamayan.
Samantala, as of December 13, 2024, aabot na sa higit P10.7 milyong pisong halaga ng humanitarian aid ang naipamahagi ng DSWD sa mga nasalanta ng pagputok ng bulkang Kanlaon. | ulat ni Marry Ann Bastasa