Kasado na ang paghahanda ng Eastern Police District (EPD) para sa kaligtasan at seguridad ng mamamayan sa buong holiday season.
Ngayong Disyembre, asahan na ang malalaking kaganapan tulad ng Christmas Day, CPP/NPA Anniversary, Rizal Day at New Year Celebration.
Kabuuang 1,665 police personnel ang ikakalat sa strategic areas sa Eastern Part ng Metro Manila.
Inatasan na ni EPD OIC, PCol Villamor Tuliao, ang mga police official ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan City Police Stations na agresibo nang magpatupad ng information drive laban sa modus operandi ng mga masasamang loob.
Dapat na ring palakasin ng mga pulis ang intelligence monitoring laban sa anumang banta sa seguridad, sapat na presensya ng mga pulis sa lugar at tourist destinations. | ulat ni Rey Ferrer