Inihayag ni Finance Secretary Ralph Recto na magtutuloy-tuloy ang mga programa ng gobyerno sa pagkakaloob ng de kalidad na trabaho sa mga Pilipino.
Ginawa ni Recto ang pahayag kasunod ng pinakahuling labor force survey kung saan naitala sa 3.9% ang unemployment rate noong Oktubre.
Katumbas ito ng karagdagang mahigit 369,000 na mga Pilipino na may trabaho kumpara noong October 2023.
Mas mababa ito sa target na 4.4% to 4.7% unemployment rate sa ilalim ng Philippine Development Plan for 2024.
Senyales aniya ito ng na nasa tamang direksyon ang gobyerno sa hangaring maraming Pilipino ang maiahon sa kahirapan.
Dahil sa October LFS, umakyat ang kabuuang bilang ng mga Pilipino ang may trabaho na nasa sa 48.2 million ng October 2024 kumpara sa 47.8 million noong parehas na buwan ng 2023.
Dagdag pa ng kalihim, mas maraming kabataan ang pumapasok sa labor force na bumubuo ng 79% ng 908,000 bagong manggagawa sa job market ngayong taon. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes