Patuloy na pinaiigting ng administrasyong Marcos Jr., ang mga hakbang upang tugunan ang pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang bilihin sa maraming mga Pilipino.
Upang palakasin ang lokal na produksyon ng bigas, itinutulak ng ehekutibo ang pagpapalawig ng Rice Competitivenes Enhancment Fund o RCEF hanggang 2031 sa pamamagitan ng pag amyenda sa Rice Tariffication Law, na naglalayong pataasin ang pondo para sa mga magsasaka.
Palalawakin naman ng Department of Agriculture ang Kadiwa ng Pangulo nang hanggang 179 na lugar sa 2024 at 300 naman sa kalagitnaan ng 2025 upang maipagkaloob sa mga Pilipino ang programang Rice-for-All o 20 pesos na bigas.
Ang DSWD ay patuloy na nagkakaloob ng tulong pinansyal sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo kasama na ang humanitarian assistance para sa mga pamilyang nangangailangan.
Inatasan dinng Agriculture Department ang Philippine Crop Insurance Corporation na pabilisin ang pagproseso ng claim at maghanda sa possibleng pinsala sa agrikutura dulot ng kalamidad.
Target din ng DA na makabili ng 600,000 na bakuna na ipapamahagi ng libre sa mga maliliit na magbababoy laban sa African Swine fever.
Inilabas na ng Department of Trade and industry ang 2024 Noche Buena Price Guide upang matulungan ang mga mamimili na makapagplano ng grocery items ngayong holiday season.
Samnatala, kabilang sa a mga hakbang sa non-food items ang pagamyenda sa EPIRA para sa mababang presyo ng kuryente, ilulunsad na “lifeline program” diskuweto sa mga low income customer ng Manila Water at pagpapanatili ng truck exemption sa tool hikes.
Ayon sa DoF ang mga habang na ito ay patunay ng komitment ng gobierno na tiyaking abot kaya ang presyo at serbisyo habang sinusuportahan ang pangangailangan ng mga Pinoy. | ulat ni Melany Reyes