Ligtas Paskuhan 2024 ng PNP, kasado na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasado na ang Oplan Ligtas Paskuhan ng Philippine National Police (PNP) bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brigadier General Jean Fajardo, nasa 14,000 pulis ang ipakakalat sa mga istratehikong lugar sa bansa.

Bukod dito, magtatayo rin ang pulisya ng help desk sa mga simbahan, paliparan, pantalan terminal ng bus, mall at pasyalan na bahagi na rin ng kanilang Ligtas Paskuhan 2024.

Makikipag ugnayan na rin ang PNP sa iba pang ahensya ng pamahalaan, na magsisilbing force multiplier para tiyaking magiging mapayapa at maayos ang pagdiriwang ng Pasko sa taong ito.

Gayunman, iginiit ni Fajardo na wala silang namo-monitor na seryosong banta subalit naka-alerto rin sila dahil kasabay nito ay ang anibersaryo ng CPP-NPA sa Disyembre 26.

Una nang inanunsiyo ng PNP, na ipatutupad nito ang ‘no leave policy’ simula Disyembre 15 kasabay ng pinaigting na alerto nito sa nabanggit na panahon.

Kasabay nito, ipatutupad ang “no leave policy” simula Disyembre 15, bilang paghahanda sa inaasahang pagdami ng economic activities ngayong kapaskuhan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us