Nananatiling pinakamayamang lungsod ang Quezon base sa 2023 Annual Financial Report on Local Government Units ng Commission on Audit (COA).
Ito na ang pang-apat na magkakasunod na taon na nakuha ng Lungsod Quezon ang top spot mula sa 149 na mga lungsod sa bansa na may 448.51 billion na total assets.
Pumapangalawa ang Makati City na may asset na P243.44 billion, sinundan ng lungsod ng Maynila (P85.92 billion), Pasig (P53.72 billion) at Taguig (P51.92 billion).
Malaki naman ang inakyat ng Parañaque City mula 10th place noong 2022 ay naging 6th place sa taong 2023 na may P35.51 billion asset.
Nasa ika-pitong pwesto ang Mandaue City, sinundan ng Mandaluyong City sa ika-walong pwesto, habang pang-siyam ang Davao City at nasa ika-sampung pwesto naman ang Cebu City.
Pasok din sa top 11 to 20 ang lungsod ng Caloocan, Butuan, Zamboanga, Laoag, Antipolo, Muntinlupa, Pasay, Sta Rosa, Calamba at Puerto Princesa City. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes