Mandatory evacuation, ipinapatupad ngayon ng OCD sa mga residente sa mga residenteng nasa 6 kilometer expanded danger zone ng Bulkang Kanlaon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinapatupad ngayon ng Office of Civil DEFENSE (OCD) ang mandatory evacuation sa mga residente sa isla ng Negros na nasa 6-kilometer expanded danger zone ng Bulkang Kanlaon.


Ayon kay Office of Civil Defense Western Visayas Spokesperson Maria Christina Mayor, ito ay pre-emptive measures ng pamahalaan para maging ligtas ang lahat sakaling pumutok ulit ang Bulkan.

Target ng Task Force Kanlaon na mailikas ang mahigit 2 libong residente sa La Castellana, San Carlos City at La Carlota City sa Negros Occidental at Canlaon City sa Negros Oriental na hindi pa nakalikas mula sa 6km expanded danger zone.

Sa monitoring ng Task Force Kanlaon nasa halos 78 porsyento na o 14,790 residente sa isla ng Negros ang nagsilikas na.

Matapos pumutok ang Bulkang Kanlaon nakaraang Lunes, Disyembre 9, 2024 kailangang obserbahan ng PHILVOLCS ang Bulkang Kanlaon ng 3 linggo para ma-assess kung ligtas na o kailangan pa nila magtagal sa mga evacuation center.

Tiniyak naman ng Task Force Kanlaon, na tutugunan ng pamahalaan ang kanilang mga pangangailangan habang nasa mga evacuation centers sila.| ulat ni Paul Tarrosa| RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us