Nagpakita ng suporta ang iba’t ibang sektor para ipagtanggol at protektahan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa pangunguna ng grupong PADER o Peoples Alliance for Democracy and Reform,
nagsagawa ng peace rally ang iba’t ibang NGOs, POs at Sectoral Organization mula sa Central Luzon, NCR at CALABARZON sa EDSA People Power Monument.
Tampok sa kanilang aktibidad ang body paint at pagpapakalbo bilang simbolo ng pagtatanggol at pagprotekta sa Pangulo at ss kapayapaan at demokrasya ng bansa.
Ayon kay RJ Villena Jr. ang grupong PADER ay isang bagong koalisyon ng iba’t ibang sektor sa buong Pilipinas.
Nagpapakita ito ng matatag na pagkakaisa para sa tuloy tuloy na kapayapaan at kaunlaran ng bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Rey Ferrer