Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) na hindi na kailangang tumira sa bahay ng kanilang mga amo ang mga Pilipinong mamasukan bilang household worker sa Saudi Arabia.
Ito’y makaraang ilabas ng DMW ang guidelines para sa job order for residential support workers salig sa inilabas nitong Memorandum Circular no. 5.
Ayon kay DMW Undersecretary Felicitas Bay, mabibigyang pagkakataon na ang mga Pilipino sa Saudi na madagdagan ang kanilang kita sa pamagitan ng pamamasukan sa iba’t ibang bahay sa itinakdang oras.
Hindi na rin obligado ang mga Pinoy houshold worker na mag-alaga ng anak ng kanilang amo at tanging gagawin lamang nito ay maglinis ng bahay.
Sa halip, sinabi ni Usec. Bay na ang mga recruiter ng mga Pinoy household worker ang siyang sasagot sa lodging ng mga ito.
Dagdag pa ng DMW, ang mga Pinoy household worker ay makatatanggap ng buwanang suweldo na 1,800 Saudi Riyal o katumbas ng ₱27,790.65 sa unang 8 oras.
Makatatanggap din sila ng karagdagang 500 Saudi Riyal o mahigit ₱7,000 sa kanilang overtime pay. | ulat ni Jaymark Dagala