Pinapurihan ni Speaker Martin Romualdez ang inisyatiba ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pagkamit ng rehabilitasyon ng Marawi sa inilabas nitong Executive Order No. 78 na bubuo sa Office of the Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation and Development.
Aniya, ipinapakita nito ang maigting na hangarin ng administrasyon na maresolba ang mga isyu na siyang nagpapatagal sa tuluyang pagbangon ng Marawi City.
“the creation of OPAMRD is a significant step forward in ensuring that Marawi’s recovery and rehabilitation efforts are not only sustained but further streamlined and accelerated. It is a demonstration of President Marcos’ sincerity in delivering on his promise to the people of Marawi and the entire Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM),” saad ni Romualdez.
Giit ng House leader sa kabila ng pag usad ng mga programa at proyekto ay mayroon pa ring mga hamon, kasama na dito ang delay sa key infrastructure projects, permanent housing at pagbabalik ng kabuhayan.
Kaya naman sa pagkakaroon ngayon ng central authority ay mas magiging maayos at iisa ang pagtugon ng pamahalaan at masisiguro na lahat ng programa ay nakaayon sa pangangailangan ng mga apektadong komonidad.
Patuloy din aniyang nakasuporta ang Kongreso sa pagbangon ng Marawi.
Patunay dito ang pagbibigay ng taunang alokasyon para sa Bangon Marawi Comprehensive Rehabilitation and Recovery Program, pagpapatupad ng Oversight sa Rehabilitation Funds at pagsuporta sa Local Development Projects ng BARMM.
Makakaasa din aniya ng suporta mula Kamara ang bagong tatag na OPAMRD.
“The rehabilitation of Marawi is not just about rebuilding structures – it is about restoring dignity, hope, and opportunity to our fellow Filipinos. Let us work together to ensure that Marawi’s story becomes one of resilience and triumph over adversity,” sabi pa niya. | ulat ni Kathleen Forbes