Ipinaubaya na ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of National Defense (DND) kung magdedeploy ng mga warship sa West Philippine Sea.
Pahayag ito ni Philippine Coast Guard for West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela sa gitna ng madalas na panghaharass ng China Coast Guard at Chinese Militia sa mga barko ng PCG , Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at mga Pilipinong mangingisda
Aniya, sa naka lipas na tatlong administrasyon ang mga barko lamang ng PCG ang nagpa patrolya sa pinag aagawang teritoryo
Nasa desisyon na umano ng AFP at basbas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung kailangan na ang pagpapadala ng navy vessels sa nasabing karagatan.
Nanindigan si Tarriela na suportado ng PCG ang pahayag ng Pangulo na ang Pilipinas ay isang peace loving country at hindi ito nagpapasimula ng gulo. | ulat ni Rey Ferrer