Ikinalugod ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang patuloy na implementasyon ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa susunod na taon.
Ito ay matapos na aprubahan ng bicameral conference committee ang pagpapanatili ng pondo para sa AKAP sa ilalim ng 2025 proposed national budget.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Irene Dumlao, nangangahulugan ito na patuloy na mapapalawak ang programa at mapapakinabangan ng mas maraming low-income earners.
“This would mean that the implementation of social welfare services will continue, hindi mai-interrupt, and those who are benefitting from this program will continue to receive the necessary benefits.”
Nagpasalamat din siya sa mga mambabatas sa patuloy na suporta sa mga programang ipinatutupad ng DSWD.
Sa inaprubahan ng Bicam, aabot sa P26-B ang pondo na mailalaan sa programa mula sa proposed 2025 national budget.
Mula naman ng simulan ng DSWD ang AKAP noong Enero, aabot na sa mahigit apat na ‘near poor’ Filipinos ang nakinabang sa programa at nakatanggap ng one-time cash assistance. | ulat ni Merry Ann Bastasa