Pagsasampa ng kaso at dagdag na mga panukalang batas, kasama sa “progress report” ng Quad Comm

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matapos ang 12 pagdinig ay nakabuo na ang Quad Committee ng partial committee report.

Ayon kay Quad Comm overall Chair Robert Ace Barbers, laman ng kanilang ‘progress report’ ang mga mahahalagang ebidensya at testimonya, kaugnay sa kanilang pagsisiyasat sa isyu ng extrajudicial killings at war on drugs campaign ng administrasyong Duterte, at mga iligal na aktibidad na sangkot ang Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Bahagi ng rekomendasyon ng komite sa mga kinauukulang ahensya ang pagsasampa ng kaso laban sa mga indibidwal o grupo, pati na ang isinusulong na mga panukalang batas.

Umaasa si Barbers, na oras na mapagtibay sa plenaryo ang kanilang mga rekomendasyon at makaka aksyon na ang mga ahensya ng pamahalaan gayundin ay maisama sa legislative priorities ang mga panukalang batas, o mas maigi ay masertipikahan bilang urgent.

Sa kabila naman ng progress report na ito ay magpapatuloy pa rin ang pagdinig ng komite.

Posibleng ang hearing aniya nila sa susunod na linggo ang panghuli ngayong taon.

Pinag-iisipan na rin aniya nila na pormal nang i-terminate ang mga pagdinig patungkol sa POGO. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us