Pamahalaan, nangakong pananatilihin ang pagpapaganda sa labor market ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Target ng National Economic and Development Authority (NEDA) na maparami pa ang mga disente at dekalidad na trabaho na maiaalok sa mga Pilipino.

Ito ang inihayag ng NEDA matapos i-ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), at ipagmalaki nito ang patuloy na pagbaba ng ‘unemployment’ rate o bilang ng mga walang trabaho sa 3.9% sa ikatlong quarter ng 2024.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, hindi tumitigil ang pamahalaan sa pagsusumikap nito na pagandahin pa ang labor market sa bansa.

Kabilang na rito ang pagpapalakas sa sektor ng connectivity, telecommunications, energy, at water na makalilikha ng mas marami pang trabaho para sa mga Pilipino.

Inaasahan ding makapagbibigay ng karagdagang kita sa bansa ang kasasabatas lamang na Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act, na magpapaganda rin sa takbo ng ekonomiya.

Kasunod nito, inanunsyo rin ni Balisacan na ilalabas nila sa Enero ng 2025 ang Philippine Development Report 2024, kung saan nakalatag ang mga tagumpay na tinamo ng bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us