Ngayong araw, December 5, 2024, aktibong nakibahagi ang Coast Guard Medical Station – Bicol, Coast Guard Nursing Service Sub unit -Bicol, at Civil Relations Group – Bicol sa isang Medical Mission na inorganisa ng Ako Bicol Party List sa Covered Court ng Barangay Maopi, Daraga, Albay.
Ang inisyatibang ito ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP) Region 5 at Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC) bilang bahagi ng kanilang layunin na maihatid ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad na higit na nangangailangan.
Ang aktibidad na ito ay patunay ng nagkakaisang pagkilos ng iba’t ibang ahensya upang siguruhin ang patas na akses sa serbisyong pangkalusugan, lalo na sa mga nasa malalayong lugar.
Ayon sa Philippine Coast Guard, patuloy nilang sinusuportahan ang mga makataong gawain tulad nito bilang bahagi ng kanilang dedikasyon sa paglilingkod sa mamamayan. Ang Medical Mission ay nagbigay ng libreng serbisyong medikal at konsultasyon para sa mga residente ng Barangay Maopi at mga kalapit na lugar.
Nanatiling layunin ng PCG at mga katuwang na ahensya ang makatulong at maghatid ng malasakit sa bawat Pilipino. | ulat ni Emmanuel Bongcodin | RP1 Albay
![](https://radyopilipinas.ph/wp-content/uploads/2024/12/viber_image_2024-12-06_15-36-31-505-1024x682.jpg)