Bumida ang isang Pinay mula Sagada, Mountain Province, sa pagiging bahagi at kadete ng U.S. Coast Guard Academy (USCGA).
Si Cadet Second-class Arlyn P. Bangsoy, dating kadete ng Philippine Merchant Marine Academy o PMMA, ay naglakas-loob na mag-apply sa USCGA mula 2021 hanggang 2022 sa ilalim ng programa ng Philippine Coast Guard.
Ayon kay Bangsoy, malaki ang naging epekto ng komunidad at mga kaibigan sa kanyang paglalakbay bilang isang international cadet. Dito kanyang ibinahagi ang natatanging heograpiya ng Pilipinas, partikular na ang magkakaibang kultura, wika, at diyalekto ng bawat sulok ng bansa.
Inaasahan ni Bangsoy na sa kanyang pagtatapos ay makapagdaos ito ng family trip upang makasama ang kanyang mga mahal sa buhay.| ulat ni EJ Lazaro