PNP, handang umalalay sa ikinakasang support rally ng Iglesia ni Cristo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kahandaan nito sa pagbibigay seguridad at pag-alalay sa ikinakasang pagkilos ng religious group na Iglesia ni Cristo.

Ito’y bilang pagsuporta ng INC sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kontrahin ang mga planong paghahain ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, mayroon na silang security template na sinusunod sa tuwing may malalaking pagtitipon o pagkilos.

Naka-alerto rin aniya ang mga lokal na Pulisya para sa paglalatag ng seguridad sa mga lokalidad na pagdarausan ng naturang aktibidad.

Binigyang-diin pa ng PNP na paiiralin ang maximum tolerance sa naturang pagtitipon bilang bahagi na rin ng kanilang paggalang sa karapatan ng bawat Pilipino sa ilalim ng Saligang Batas. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us