Provincial buses, papayagang makadaan sa EDSA sa darating na holiday Break

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagbigyan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang hiling ng provincial bus operators na pansamantalang dumaan sa kahabaan ng EDSA ngayong holiday season.

Sa pulong balitaan ng MMDA sa Pasig City, sinabi ni MMDA Chairperson, Atty. Don Artes na papayagang dumaan sa EDSA ang mga provincial bus simula Disyembre 20 hanggang Enero 2 ng susunod na taon.

Gayunman, sinabi ni Artes na mula Disyembre 20 hanggang sa araw ng Pasko, Disyembre 25, maaari lamang dumaan ang mga bus sa EDSA mula alas-10 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga.

Pagsapit naman ng Disyembre 26 hanggang sa Enero 2 ng susunod na taon, 24 oras papayagan ang mga provincial bus na dumaan sa EDSA.

Subalit nilinaw ng MMDA Chief, ang mga provincial bus na magmumula sa norte ay papayagan lamang dumaan ng EDSA hanggang sa bahagi lamang ng Cubao.

Habang ang mga magmumula naman ng Katimugang Luzon ay papayagan lamang hanggang sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PiTX) at bawal tumawid ang mga ito.

Paliwanag naman ni Artes, bagaman papayagan ang mga provincial bus na dumaan ng EDSA, kailangan pa rin nila itong limitahan upang hindi na makadagdag pa sa inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa nabanggit na panahon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us