Bumaba ang unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho sa bansa sa ikatlong quarter ng 2024.
Batay sa pinakahuling labor force participation survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala sa 3.9% ang unemployment rate nitong Oktubre.
Bagamat mas mataas ito sa 3.7% unemployment rate noong Setyembre, malaki naman ang ibinaba nito mula sa 4.7% noong Hulyo.
Katumbas naman ito ng 1.97 milyong Pilipino na walang trabaho sa bansa.
Kaugnay nito, aabot rin sa 96.1% ang employment rate o katumbas ng 48.16 milyong Pilipino ang may trabaho o negosyo.
Ang underemployed o mga manggagawang hindi napapasweldong sapat at nasa trabahong hindi angkop sa kanilang kakayahan ay naitala naman sa 12.6%.
Kabilang naman sa mga industryang nakaambag sa pagtaas ng employment rate ang agriculture at forestry, admin at support service activities, human health at social work, education, at transportation at storage. | ulat ni Merry Ann Bastasa