Sampu sa 29 na mga pulis na kinasuhan kaugnay ng kontrobersyal na P6.7-B drug haul sa Maynila noong 2022 ang naaresto at sumuko na.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson at Central Luzon Chief BGen. Jean Fajardo, kabilang sa mga sumukong pulis ay ang mga sumusunod:
1 Police Lieutenant Colonel (PLtCol)
1 Police Major (PMaj)
1 Police Captain (PCapt)
1 Police Lieutenant (PLt)
1 Police Executive Master Sergeant (PEMS)
1 Police Senior Master Sergeant (PSMS)
4 Patrolmen (PAT)
Sila ngayon ay nasa kustodiya ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Patuloy pang hinahanap ang natitirang 19 na pulis na sangkot sa kaso.
Ipinag-utos naman ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang pagbuo ng isang Task Force upang mapabilis ang paghuli sa iba pang sangkot sa kaso. | ulat ni Diane Lear