Senate Inquiry tungkol sa Comprehensive Sexuality Education, isusulong

Magkakasa si Senate Committee on Basic Education Chairman Senador Sherwin Gatchalian ng pagdinig tungkol sa kontrobersyal na Comprehensive Sexuality Education na pinapatupad ngayon ng mga paaralan, alinsunod sa Department Order No. 31 ng DepEd. Sinabi ito ng senador matapos ang ginawang consultative meeting kasama ang iba’t ibang stakeholders na may concern sa nasabing kautusan ng… Continue reading Senate Inquiry tungkol sa Comprehensive Sexuality Education, isusulong

Mas malakas na hakbang para ganap nang mabura ang mga illegal POGO-related activities, pinanawagan ni Senador Sherwin Gatchalian

Dapat pang mas paigtingin ng mga otoridad ng bansa ng pagmonitor at pagsuyod sa mga natitirang operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa. Ito ang pahayag ni Senador Sherwin Gatchalian, matapos ang ginawang raid sa isang scam farm sa loob ng isang resort sa Silang, Cavite. Binigyang diin ni Gatchalian na ang… Continue reading Mas malakas na hakbang para ganap nang mabura ang mga illegal POGO-related activities, pinanawagan ni Senador Sherwin Gatchalian

Labi ng OFW na si Jenny Alvarado na nasawi sa Kuwait, dumating ngayong Huwebes ng hapon

Dumating na sa bansa ang labi ng overseas Filipino worker (OFW) na si Jenny Alvarado na nasawi sa Kuwait. Ito ay matapos na mamatay dahil sa coal suffocation nang malason sa usok mula sa heating system sa kaniyang pinagtatrabahuan noong January 2. Sa ambush interview, sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na nakatakdang… Continue reading Labi ng OFW na si Jenny Alvarado na nasawi sa Kuwait, dumating ngayong Huwebes ng hapon

COA, pinagpapaliwanag ang PH Carabao Center sa pagpapatayo ng bull barn

Pinagpapaliwanag ng Commission on Audit (COA) ang Philippine Carabao Center (PCC) sa tatlong pasilidad nito na hindi nagagamit sa orihinal na layunin nito. Kabilang dito ang 1.56 ektaryang lupain sa San Jose City, Nueva Ecija, at ang pagpapatayo ng isang isang bull farm na para lamang sa mga lalaking baka. Gayunpaman, nang inspeksiyunin ng mga auditor noong… Continue reading COA, pinagpapaliwanag ang PH Carabao Center sa pagpapatayo ng bull barn

Bigas na ibinebenta sa Rice-for-All program, mabibili na sa P38 kada kilo; Mga KADIWA ng Pangulo booth, ilalagay na sa lahat ng pamilihan sa Metro Manila

Ibababa na ng Department of Agriculture (DA) ang presyo ng 25% broken rice variety sa P38 buhat sa P40 kada kilo na ibinebenta sa Rice for All Program. Ayon kay Agriculture Sec. Francisco Tiu-Laurel Jr., epektibo bukas, Biyernes ang bawas presyo sa bigas o ilang araw bago naman ipatupad ang P58 per kilo na Maximum… Continue reading Bigas na ibinebenta sa Rice-for-All program, mabibili na sa P38 kada kilo; Mga KADIWA ng Pangulo booth, ilalagay na sa lahat ng pamilihan sa Metro Manila

DOF, muling tiniyak sa LGUs na bukas sila sa karagdagang pag-uusap upang mapalakas ang mga local gov’t finance

Photo courtesy of Department of Finance (DOF) FB page

Muling tiniyak ni Finance Secretary Ralph Recto na handa ang Department of Finance (DOF) na magsagawa ng karagdagang mga pag-uusap upang higit pang mapalakas ang kakayahan ng mga local government unit (LGU) sa pananalapi. Ayon kay Recto, layon nito na mas mapabuti ang serbisyo para sa mga Pilipino. Aniya, maaari siyang tawagan “anytime” sakaling may… Continue reading DOF, muling tiniyak sa LGUs na bukas sila sa karagdagang pag-uusap upang mapalakas ang mga local gov’t finance

Pilipinas at Finland, lumagda sa kasunduan para sa ligtas na pagtatrabaho ng mga Filipino skilled worker

Lumagda ang Department of Migrant Workers (DMW) at Ministry of Economic Affairs and Employment ng Finland sa isang kasunduan para sa ligtas na pagtatrabaho ng mga Filipino skilled workers sa Finland. Nilagdaan nina Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac at Finland Minister Arto Sartonen ang Joint Declaration of Intent sa DMW Central Office sa Mandaluyong… Continue reading Pilipinas at Finland, lumagda sa kasunduan para sa ligtas na pagtatrabaho ng mga Filipino skilled worker

Tunnelling works ng Metro Manila Subway Project Camp Aguinaldo Station, sisimulan na

Sisimulan na ang tunnelling works ng Metro Manila Subway Project (MMSP) Phase 1, na tinaguriang ‘Project of the Century’. Ito ay matapos na ilunsad ang Tunnel Boring Machine, na bahagi ng Contract Package 103. Kabilang sa proyektong ito ang dalawang underground stations ang Anonas Station at Camp Aguinaldo Station. Pinangunahan ng paglulunsad nina Transportation Undersecretary… Continue reading Tunnelling works ng Metro Manila Subway Project Camp Aguinaldo Station, sisimulan na

National Maritime Polytechnic Chief, nagpasalamat sa paglagda ni PBBM sa Magna Carta of Filipino Seafarers

Malaking tulong para sa ating Pinoy seafarers ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kamakailan sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Magna Carta of Filipino Seafarers. Ito ngayon ang naging tugon ni National Maritime Polytechnic Executive Director Victor A. Del Rosario, kung saan ayon sa kanya, ito ay magtitiyak sa karapatan, seguridad, at kapakanan… Continue reading National Maritime Polytechnic Chief, nagpasalamat sa paglagda ni PBBM sa Magna Carta of Filipino Seafarers

Mandatory livestreaming ng sesyon ng Sangguniang Bayan, ipinapanukala sa Kamara

Ipinapanukala ni Kabayan Party-list Rep. Ron Salo na gawing mandatory ang livestreaming ng mga Sangguniang Bayan sessions. Sa kaniyang House Bill 11294, aamyendahan ang ilan sa probisyon ng Local Government Code of 1991. Layon nito na magkaroon ng mas malawak na access sa local legislative proceedings at isulong ang transparency. Naniniwala si Salo na dapat… Continue reading Mandatory livestreaming ng sesyon ng Sangguniang Bayan, ipinapanukala sa Kamara