17 sa 29 na pulis na sangkot sa P6.7-B drug haul, nasa kustodiya na ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 17 sa 29 na mga pulis na kinasuhan kaugnay ng kontrobersyal na P6.7 billion drug haul sa Maynila noong 2022 ang naaresto at sumuko na.

Naaresto ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang pulis na may ranggong Chief Master Sergeant at Master Sergeant kagabi sa Barangay 70 sa Pasay City.

Ayon kay PNP Criminal Investigation and Detection Group Chief Brigadier General Nicolas Torre III, may ilang pulis sa natitirang 12 pa ang nagpahayag na ng kagustuhang sumuko.

Sa ngayon ang mga arestadong pulis ay nasa kustodiya na ng iba’t ibang units ng PNP.

Matatandaang inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 175 at 44 ang warrant of arrest laban sa 29 na aktibo at dating pulis dahil sa umano’y pagtatanim ng ebidensya at pagkakamali sa anti-drug operation.

Bumuo rin ang PNP ng Task Force 29 upang hulihin ang mga sangkot na pulis. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us