3 pelikulang nagtutulak ng ‘responsible gaming,’ inilunsad ng Digiplus at Bingoplus Foundation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tatlong ‘Pusta de Peligro’ short films ang inilunsad ngayong araw ng DigiPlus at BingoPlus Foundation na bahagi ng kampanyang nagtutulak sa ‘responsible gaming.’

Ginanap ang premiere ng short films sa Gateway Cinema, sa Quezon City, kung saan binigyang-diin ng DigiPlus ang kanilang matatag na dedikasyon sa responsableng paglalaro, matiyak ang nananatiling ligtas at libangan lamang ang e-games.

Ang tema ng mga palabas ay “Pag Pusta de Peligro na, pause Muna dahil ang gaming dapat fun fun lang.”

Hango ang kwento ng short films sa real life scenarios, na nagpapakita ng transition ng isang manlalaro mula sa lebel na libangan lang hanggang sa pagiging ‘risky.’

Kaugnay nito, ipinakilala rin ang Responsible Gaming Features sa DigiPlus Platforms kabilang ang self-exclusion features. Binibigyan nito ang mga manlalaro ng kakayahang kontrolin ang kanilang gaming habits.

Kasama rito ang daily gaming duration, pag customize ng daily gaming schedule para malimitahan ang pagkagumon sa gaming.

Sa pamamagitan nito, magagawa pa ring mag-enjoy ng mga gamer na di nakakaramdam ng ano mang financial stress.

“We want players to feel empowered to make wise choices, families to feel reassured, and communities to see gaming as a safe form of entertainment. The Pusta de Peligro campaign is a crucial step toward that vision.” pahayag ni DigiPlus Chairman Eusebio Tanco. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us