Pumanaw na si Albay 1st District Representative at Liberal Party President Edcel C. Lagman sa edad na 82.
Kinumpirma ito ng kaniyang anak na si Tabaco City Mayor Krisel Lagman at ni dating Albay Governor Edcel Greco Lagman.
Sa inilabas na pahayag ni Edcel Greco Lagman, namaalam ang kaniyang ama noong Enero 30, 2025, sa edad na 82 dulot ng cardiac arrest.
Kaagad namang nagpaabot ng pakikiramay ang mga kasamahan nito sa Kongreso, kabilang na sina Albay 2nd District Representative Joey Salceda at House Speaker Martin Romualdez. Gayundin ang ilang mga lokal na opisyal sa lalawigan ng Albay.
Walong terminong nanilbihan si Representative Lagman sa unana distrito ng Albay at isa sa mga pangunahing mambabatas na nagtaguyod at nagsulong ng mga makabuluhang batas tulad ng Reproductive Health Law, Anti-Discrimination Bill, at Expanded Senior Citizens Act. | ulat ni Garry Carl Carillo | RP Albay
📸 Edcel Greco Grex Lagman