Alegasyong mayroong ‘criminal enterprise’ sa hanay ng Pulisya, dinepensahan ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na kailanman ay hindi naging ‘institutional’ at hindi kalakaran sa kanilang hanay ang ‘cover up’ o pagtatago ng tamang impormasyon sa kampanya kontra iligal na droga.

Ito ang iginiit ng PNP bilang depensa sa pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa Malacañang kahapon na sinamantala umano ng mga nakalipas na administrasyon sa PNP ang ‘Reward System’ para hindi i-ulat ng maayos ang mga ikinasang drug operations nito.

Ayon kay Police Regional Office-3 Director at Concurrent PNP Spokesperson, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, walang sinumang Chief PNP ang papayag sa ganitong iligal na gawain.

Una nang sinabi ni Remulla na kanilang iimbestigahan muli ang kontrobersyal na pagkakasabat sa 990 kilos ng shabu noong 2022 gayundin ang iba pang malalaking operasyon ng Pulisya kontra droga. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us