Ipinakilala na sa publliko ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang pinakabagong serbisyong hatid nito sa mga mananakay.
Ngayong araw kasi ay umarangkada na ang GET EV Shuttle Service.
Ayon kay PITX President, Atty. Jaime Feliciano, ang naturang shuttle ay isang eco-friendly transport solution na magkokonekta sa PITX patungo sa mga mahahalagang lokasyon sa paligid ng Mall of Asia complex.

Ang naturang bagong shuttle service ay inaasahang mag ooperate mula Friday hanggang Sunday mula 7 AM hanggang 7 PM, at ito ay may mga stop over sa PITX Bay 19, SMX, SM MOA South & North Wing, TwoE-Com, FourE-Com, Shell & Sea Residences, at iba pa.
Ipinagmalaki din ni Feliciano, na nasa P20 ang magiging pamasahe sa naturang shuttle at gagamit ito ng cashless payment, kung saan kailangan ang mobile app na GET APP para makapagbayad.
Dito rin aniya maaring ma-monitor ang ruta at takbo ng bawat shuttle service na nag ooperate sa bawat oras. | ulat ni Lorenz Tanjoco