Bangko Sentral ng Pilipinas, puspusan ang pagsasagawa ng briefing sa foreign exchange regulations

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng sunod-sunod na briefing para sa mga regulasyon sa Foreign Exchange sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ito ay alinsunod sa ipinatupad na foreign exchange liberalization.

Kabilang sa mga probinsya kung saan inilunsad ang BSP briefing ay ang Lungsod ng Batac, Zamboanga, Cagayan De Oro, Puerto Princesa, Dumaguete at Roxas na dinaluhan ng local bank executives, industry associations at exporters.

Layon ng BSP na aktibong makipag ugnayan sa stakeholders hingil sa patakaran ng reporma sa forex market, palaganapin ang kaalaman at magbigay ng malinaw na pag-unawa sa mga polisiya, at pinakabagong pagbabago kaugnay sa foreign exchange. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us