BUCAS Center ng pamahalaan, pararamihin pa ng Marcos Administration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Parami nang parami ang mga Pilipinong napaglilingkuran ng Bagong Urgent Care Ambulatory Service o BUCAS center, sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na mula nang ilunsad ang programa, Enero ng nakalipas na taon, ang dating 28 operational na BUCAS Centers ay nasa 43 na.

Sabi ng kalihim, mga outpatient ang sini-serbisyuhan sa BUCAS Centers, na nagsisilbing community hospital sa mga liblib na lugar kung saan maaaring magpakonsulta para sa primary care cases.

“Libre iyong konsulta at iyong Konsulta Package ng PhilHealth, may bakunahan tayo doon. Mayroong ambulatory surgery, iyong hindi mo na kailangang maospital so iyong ibang katarata doon na inooperahan. Iyong mga bukol na under local anesthesia doon na; mayroong programa para sa antenatal care, mga buntis. May programa sa bata. May programa kami sa nutrition at iba-iba. Iyong mga screening, cancer screening.” —Herbosa

Available dito ang diagnostics equipment, tulad ng xray, ultrasound, at ECG.

Maaari ring magpabakuna, ambulatory surgery sa catarata, cancer screening, at konsulta para sa mga buntis o may mga bukol sa katawan.

Bukas ito mula ala-6 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.

“From the regional hospital. So, mayroon kaming in-establish noon, ten years ago, all DOH hospitals magkaroon ng residency program or specialization on family and community medicine. Sabi ko, iyang family/community medicine doctors natin, iyan ang ilagay natin doon sa BUCAS, and happy sila. So, iyong napa-practice nila iyong specialization nila which is family and community medicine – so family health, nutrition para sa matatanda, doon din kami nagbabakuna noong mga flu vaccines sa matatanda.” —Herbosa | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us