Bulkang Kanlaon, muling nagbuga ng abo—PHIVOLCS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ilang minutong nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros Islands kaninang 9:58 AM.

Sa ulat ng PHIVOLCS, umabot ng 150 metro ang taas ng abo na inilabas ng bulkan at tinangay ng hangin sa direksyong ng Timog-Kanluran.

Ang bagong aktibidad ng Mt. Kanlaon ay nakunan ng IP Camera na nakaposisyon sa Mansalanao, La Castellana Station, at Kanlaon Volcano Observatory sa Canlaon City.

Tumagal ang pagbuga ng abo ng bulkan hanggang 10:00 AM.

Paalala ng PHIVOLCS, nakataas pa rin sa Alert level 3 ang status ng bulkan at lahat ay pinag iingat sa posibilidad ng muling pagputok nito. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us