Ipinagmalaki ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang pagbaba ng crime rate noong 2024.
Batay sa datos, bumaba ng 8.63% ang mga kaso ng krimen o may kabuuang 181 na kasong nabawas kumpara sa nakalipas na taon 2023.
Malaki umano ang naging kontribusyon ng pulisya dahil sa mahusay na pamamahala at implementasyon ng mga makabago at epektibong programa.
Kabilang sa mga hakbang na naging susi sa pagbaba ng krimen ay ang mga programa tulad ng Checkpoint, Oplan Sita, Mobile at Foot Patrol, Oplan Bakal, Oplan Bandillo, at marami pang iba.