Nagsampa na ng pormal na reklamo ang Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry, laban sa Betron Consumer Goods at sa may-ari nito na si Ronnel Manalang.
Ayon sa DA-BPI, sangkot sa pagpupuslit ng sariwang carrots at dilaw na sibuyas ang kumpanya, at idinadaan sa Port of Subic.
Batay sa reklamo na isinumite sa Olongapo City Prosecutor’s Office, inakusahan ang Betron ng paglabag sa Food Safety Act at ng 1978 Plant Quarantine Law.
Natuklasan noong Agosto 2024 ang limang shipping containers na naglalaman ng carrots at dilaw na sibuyas na tinayang nagkakahalaga ng Php20.8 million.
Nakumpirma din na misdeclared ang produktong agrikultura, kaya’t agad kinumpiska ito. | ulat ni Rey Ferrer