DA, umapela sa Korte Suprema na huwag payagan ang commercial fishing sa municipal waters

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain na ng motion for reconsideration sa Korte Suprema ang Department of Agricuture (DA) para baliktarin ang desisyong pagpayag sa commercial fishing vessels na makapasok sa municipal waters.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., dapat nakareserba lamang para sa small-scale fishers ang municipal waters sa ilalim ng Fisheries Code.

Naghayag ng pagkabahala ang kalihim sa potensiyal na epekto sa kabuhayan ng mga maliliit na mangingisda ang naging desisyon ng korte, pati na sa epekto sa marine ecosystems.

Sa desisyon ng First Division ng Korte Suprema, kinatigan nito ang naging desisyon ng Malabon Regional Trial Court na nagdeklarang unconstitutional ang probisyon ng Fisheries Code sa preferential access, batay sa inihaing petisyon ng Mercidar Fishing Corp.

Mangangahulugan aniya na ang mga barkong pang-komersiyo ay maaari nang mangisda sa halos 90% ng mga baybayin.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us