Asahan na ang bigat ng daloy trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX) ngayong umaga hanggang gabi.
Ito’y dahil sa 2 araw na konsyerto ng K-POP Group Seventeen sa Philippine Arena sa Bocaue Bulacan, simula ngayong araw, Enero 18 hanggang 19.
Sa abiso ng NLEX Corporation, pinapayuhan ang mga dadalo sa concert na dumaan sa NLEX Ciudad de Victoria Exit.
Habang ang mga motorista naman na patungo sa Bocaue o Santa Maria ay maaaring dumaan sa mga alternatibong ruta sa pamamagitan ng mga exit sa Marilao, Bocaue, o Tambubong.
Tiniyak ng pamunuan ng NLEX na magdedeploy sila ng mga traffic personnel para umasiste sa NLEX-covered areas. | ulat ni Rey Ferrer