Mariing kinondena ng Department of Foreign Affairs ang pagkamatay ng ating kababayan na si Marvil Facturan habang nagbabakasyon sa isang resort sa Slovenia.
Ayon sa DFA na nasa kamay na ng mga awtoridad ang kanyang asawa na si Mitja, dahil isa siya sa primary suspect sa pagkamatay ni Marvil.
Dagdag pa ng DFA na nakipag-ugnayan na sila sa pamilya ng biktima upang ipaabot ang nasabing pangyayari sa kanilang kaanak.
Muling namang siniguro ng DFA na patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa Slovenian government para sa iba pang detalye ng kaso ng kanyang pagkamatay at inaayos narin ang repatriation ng kanyang mga labi pabalik ng Pilipinas. | ulat ni AJ Ignacio