Nanawagan ang Department of Transportation (DOTr) sa Office for Transportation Security (OTS) na gumamit ng mga makabagong paraan para mapalakas ang seguridad ng mga pasahero sa mga paliparan at terminal.
Sa kaniyang mensahe, iminungkahi ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang paggamit ng interactive campaigns, safety mobile applications, at in-terminal exhibits.
Aniya, ang mga inisyatibang ito ay makakatulong sa pagpapalakas ng tiwala ng publiko at pakikipagtulungan iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Kasabay nito, hinimok din ni Bautista ang OTS na mamuhunan sa makabagong teknolohiya tulad ng biometric identification at AI-driven threat detection upang higit pang mapahusay ang seguridad sa transportasyon. | ulat ni Diane Lear