DSWD, DOT, palalakasin ang suporta sa tourism workers na natatamaan ng kalamidad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Paiigtingin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Tourism (DOT) ang kanilang ugnayan para palakasin ang suporta sa mga tourism worker na naapektuhan ng kalamidad.

Ito ay sa pamamagitan ng programang Bayanihan sa Bukas na may Pag-asa sa Turismo (BBMT), na layong tulungan ang manggagawang apektado ng kalamidad.

Pinangunahan nina DSWD Secretary Rex Gatchalian at DOT Secretary Christina Frasco ang paglagda sa kasunduan kung saan tutulong na rin ang DSWD sa pagpapatupad ng BBMT.

Sa ilalim nito, gagamitin din ng DSWD ang cash-for-work (CFW), cash-for-training (CFT), at Emergency Cash Transfer (ECT) para mabigyan ng pinansyal na suporta ang mga manggagawa sa turismo.

Habang ang DOT naman ang mangunguna sa pagbibigay ng mga training programs at temporary employment sa mga benepisyaryo.

Ayon kay Secretary Gatchalian, ang inisyatibong ito ng DSWD at DOT ay layong palakasin ang sektor ng manggagawa sa turismo at kilalanin ang mahalaga nilang papel sa pagbuo ng bansa.

Sinabi rin ng kalihim na ang proyektong ito, ay ipatutupad na sa buong bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us