Target ng DSWD na makapag preposition ng 2.5 million boxes ng family food packs sa buong bansa.
Alinsunod ito sa direktiba ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, bilang paghahanda sa kalamidad at emergency na pangangailangan.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, nakapaglatag na ng 2.1million food packs ang ahensya sa lahat ng storage facility nito.
Pero kanila pa ring dadagdagan ang suplay ng hanggang 2.5 million hanggat wala pang nangyayaring malalaking kalamidad na nakakaapekto sa bansa. | ulat ni Rey Ferrer