Personal na nagtungo sa Department of Justice si Police Brig. General Nicolas Torre III para isama ang kasong ‘inciting to sedition’ laban sa dating army captain na si Enrique Climente.
Ito ay may kinalaman sa kanyang personal vlog sa YouTube kung saan nananawagan siya sa mga uniformed personnel na iatras ang suporta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ginawa raw ni Clemente ang panawagan noong kasagsagan ng pag-aresto kay Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy at nitong kasagsagan ng banat ni Vice President Sara Duterte-Carpio kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Gamit ang iba’t ibang account sa YouTube, nagawa umano ni Climente na batikusin ang gobyerno at pilit na nanghihikayat sa mga sundalo at pulis na iatras ang kanilang suporta sa kasalukuyang pamahalaan. | ulat ni Michael Rogas