Umabot na sa 29, 390 ang ‘drug cleared’ na barangay sa buong bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinard R. Marcos Jr. batay sa pinakahuling ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Sa ngayon mayroon pang 6,113 barangays ang apektado ng iligal na droga.
Mula Hulyo 2022 hanggang Disyembre 2024, may kabuuang 8,138 high value targets ang naaresto, dalawang clandestine laboratory at 1,266 drug dens ang nalansag mula sa 94,050 anti-drugs operations na isinagawa ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.
Ayon sa PDEA, nasa 127,155 na drug personalities ang naaresto at kabuuang P52.50 billion na halaga ng iligal na droga at laboratory equipment ang nakumpiska. | ulat ni Rey Ferrer