Sumampa na sa 70,000 Family Food Packs (FFPs) ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa tuloy-tuloy na distribusyon ng relief packs sa mga naapektuhan ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon.
Kabilang sa naabutan ng food packs ang mga residente sa Western at Central Visayas.
Pinakamalaki ang nailaan sa Region 6 kung saan maraming pamilya ang inilikas. Aabot sa higit 49,000 ang ipinamahagi ditong food packs.
Bukod sa food packs may 11,725 ding non-food items ang naipamahagi na ng DSWD.
May halos P9 milyon ding nai-release na ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Kaugnay nito, aabot na rin sa higit 200,000 ang nakapreposisyong food packs sa Region 6 at 7 na nakahanda sakaling tumaas pa ang aktibidad ng Mt. Kanlaon. | ulat ni Merry Ann Bastasa