House leader, pumalag sa alegasyong may blangko sa 2025 National Budget

Facebook
Twitter
LinkedIn

Intriga at politika.

Ito ang nakikitang dahilan ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega kung bakit pinalutang na may blangkong budget sa 2025 General Appropriations Act (GAA).

Ani Ortega, hindi patas na sabihin na may blind approval sa pambansang pondo dahil hindi ganoon magtrabaho ang lehislatura at ehekutibo.

“…you have to understand that sa national scene po natin. Nakikita naman po natin na medyo, may hindi po pagkakakintindihan sa politika. So, yung mga konti po na mga pagkakataon na may makikita sila na hindi na angkop sa gusto nila o sa ideology nila…Intriga eh, politika, ” ni Ortega.

Matatandaan na inakusahan nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Davao Representative Isidro Ungab na may mga blangko sa 2025 National Budget.

Diin ni Ortega, walang katotohanan sa mga alegasyon na ito at nahaluan na lang din ng fake news.

“hindi naman po fair na yung mga ganoong comments na blind approval o blangko na budget yung ina-approved…hindi po totoo yan at hindi po ganoon na magtrabaho yung mga kasama natin dito sa Congress o sa Senado, at saka sa Executive,” dagdag ni Ortega. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us